Gross international reserves ng Pilipinas, bumaba

2018-06-08 19:29:42

 

IBINALITA ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr. na bumaba ang Gross International Reserves ng bansa noong nakalipas na Mayo at umabot na lamang sa US$ 78.97 bilyong dolyar mula sa nakamtang katayuan noong Abril na umabot sa US$ 79.61 bilyon.


Sa isang pahayag, sinabi ni Governor Espenilla na naganap ito dahil sa paglabas ng dolyar mula sa foreign exchange operations ng BSP, pagbabayad ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga pagkakautang nito at ang revaluation adjustments sa hawak na ginto ng bangko at ang pagbaba ng halaga ng ginto sa pandaigdigang pamilihan.


Hindi gasinong lumaki ang pagbaba ng gross international reserves dahil sa net foreign currency deposits ng pamahalaan at ang kinita ng Bangko Sentral mula sa investments nito sa ibang bansa.


Ang naganap noong Mayo ay kinakitaan ng sapat na external liquidity buffer at kahalintulad ng halos walong buwang halaga ng aangkating mga kagamitan, kabayaran sa services at sa primary income.


Maihahambing din ito sa halos lima't kalahating ulit ng short-term external debt ayon sa original maturity at maging halos apat na ulit ayon sa residual maturity.


Nangangahulugan ang net international reserves na nagpapatungkol sa pagkakaiba ng Gross International Reserves ng BSP at short-term liabilities.  Bumaba ito ng may US$ 640 milyon at nakamatan ang US$ 78.95 bilyon sa pagtatapos ng buwan ng Mayo mula sa nakamtang halagang US$ 79.59 bilyon noong nakalipas na buwan ng Abril.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino