Gastusin ng pamilyang Pilipino aabot sa P42,000 bawat buwan

2018-06-08 19:31:00

 

SINABI ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na mangangailangan ang karaniwang pamilya ng P 42,000 upang mabuhay ng maayos at may dignidad.


Inilabas ni Secretary Pernia ang pahayag matapos tuligsan si Undersecretary Rosemarie Edillon na nagsabing sasapat na ang P 10,000 bawat buwan para sa isang pamilyang may tatlong anak.


Ang halagang P 42,000 ay masasabing sasapat upang maka-angat sa poverty line.  Kung may hanapbuhay ang mag-asawa na kikita ng tig-P 21,000 bawat buwan, hindi na sila magbabayad ng buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.


Kung iisa lamang sa mag-asawa ang kikita ng P21,000 bawat buwan, hindi sasapat ang halaga, dagdag pa ng kalihim.  Niliwanag niyang hindi naman niya inirerekomenda ang pasahod ng P 42,000 bawat buwan.


Anang kalihim, ang legislated wage increase ay magiging dahilan ng mas mataaas na inflation na makasasama sa ekonomiya.






Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino