Dating National Security Adviser Roilo Golez, pumanaw na

2018-06-12 14:14:37

SA isang pangyayaring ikinagulat ng marami, pumanaw na si dating National Security Adviser at Congressman Roilo Golez sa edad na 71 taong gulang.

Nasawi ang dating mambabatas samantalang naghahanda para sa isang panayam sa telebisyon sa Makati City kaninang umaga.

Magugunitang isa sa mga pumupuna kay Pangulong Duterte sa relasyon nito sa Tsina ang dating mambabatas. Naging kalihim siya noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Regular na panauhin sa “Tapatan sa Aristocrat” ang namayapang opisyal lalo pa't ang paksa ay South China Sea. Nagtapos siya sa U. S. Naval Academy noong 1970. Naglingkod bilang mambabatas sa loob ng 18 taon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino