Pangulong Duterte, umaasang magtatagumpay ang pag-uusap tungo sa kapayapaan

2018-06-13 16:50:50

 

MAY pag-asang nababanaag si Pangulong Rodrigo Duterte tungo sa pakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines sa ilalim ni Jose Ma. Sison.  Inulit niya ang kanyang panawagan at pangakong makatitiyak ng kaligtasan ang dating propesor sa University of the Philippines sa loob ng dalawang buwan upang matuldukan na ang mga labanan sa kanayunan.


Sa kanyang talumpati sa ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, sinabi ni Pangulong Duterte na makikipag-usap siya sa mga kalaban ng pamahalaan kahit pa nagkaproblema ang mga negosasyon noong nakalipas na panahon.


Kailangan lamang huminto ang labanan sa kanayunan upang makapag-usap hinggil sa kapayapaan.


Bagaman, sinabi niyang hindi siya nakatitiyak na babalik sa bansa si Professor Sison sa likod ng kanyang paanyaya.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino