Cardinal Tagle, tinuligsa ang mga paglabag sa batas

2018-06-13 16:52:36

 

SINABI ni Cardinal Luis Antonio Tagle na 'di kailanman nararapat matakot sa kaguluhang nagaganap na kinatatampukan ng mga pagpaslang sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Sa kanyang pahayag sa Araw ng Kalayaan, sinabi ni Cardinal Tagle na ang Kalayaan ay walang saysay kung matatakot ang mga mamamayan sa serye ng mga krimen, katiwalian at kahirapan.


Huwad umano ang Kalayaan kung binabale-wala at 'di pinahahalagahan ang katarungan.  Labag sa batas ng Diyos ang pagpuksa sa buhay.  Hindi kailanman malulutas ng mga pagpatay ang mga personal at panglipunan mga suliranin, dagdag pa ni Cardinal Tagle.


Ikinalungkot niya ang mga pagpaslang tulad ng naganap kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan at kay Henry Acorda, isang manggagawang Filipino na pinatay sa Slovakia.


Umaasa umano siyang wala nang susunod.  Ipinagluluksa ng lahat ang kanilang pagpanaw, ang kanilang mga naulila at ang lipunang humihiling ng katarungan para sa mga naging biktima, paliwanag pa ni Cardinala Tagle.


Nakiusap siyang huwag tumugon sa kaguluhan sa pamamagitan ng panibagong kaguluhan kasabay ng panawagan sa mga mamamatay-tao na tumigil na sa kanilang karumal-dumal na gawain.


Tumanggi umano sa mga nag-aalok ng salapi upang pumatay ng kapwa-tao.  Nanawagan din ang cardinal sa mga mambabatas na pag-aralan ang bagong batas hinggil sa pag-aari ng sandata kasabay ng mga panawagang ituloy ang kampanya laban sa mga panaguang sandata.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino