Pinaslang na pari, nakatanggap ng mga pagbabanta

2018-06-13 16:56:09

 

NAKATANGGAP ng mga pagbabanta ang napaslang na si Fr. Richmond Nilo.  Ito ang nabatid ng mga pulis na nagsisiyasat sa naganap na krimen.


Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, ito ang nabanggit ng kapatid na babae ng napaslang na pari.  Hindi lang binanggit kung ang pagbabanta ay harapang ipinarating o sa pamamagitan ng text message.


May tinulungan umanong naabusong menor de edad ang pari.  Tinulungan ang menor de edad na pormal na mag-reklamo sa hukuman.  Tumulong din ang pari sa mga argabyado sa problema sa lupain kaya nakatanggap ng mga pagbabanta.


Binaril at napatay ang pari ng mga 'di pa kilalang naka-motorsiklong kalalakihan.


Pinag-aaralan din nila ang anggulong mula sa pagpuna ng napaslang sa ibang pananampalataya.


Inaalam pa ng mga autoridad ang tunay na motibo ng pagpaslang.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino