Kampanya laban sa droga, nagbubunga

2018-06-15 17:48:07

IBINALITA ni Acting Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na tuloy ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga.


Nakasamsam sila ng higit sa 24 na kilo ng shabu mula sa dalawang pinaghihinalaan sa ginawang police operation sa Sta. Ana, Manila. 


May operasyon ding nagbunga at nabawi ang kargamentong nagkakahalaga ng P 163 milyong sa isang nakaparadang kotse sa harap ng Manila Central University kahapon ng hapon.  Kinilala ang mga suspect sa pangalang Luzviminda Basilio at Jocelyn Santos.


Nagkaroon din ng follow-up operations sa isang barangay sa Sta. Ana, Maynila na ikinadakip ng dalawang iba pa. 


Ikinagalak din ni G. Año ang suporta ng mga mamamayan sa nakalipas na tatlong buwan ng 2017 sa pagkakaroon ng 88% o siyam sa bawat sampung Filipino ang sang-ayon sa ginagawang kampanya ng pulisya laban sa illegal na droga.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino