Fr. Richmond Nilo, inilibing na

2018-06-16 17:30:35

 

INILIBING na ang labi ni Fr. Richmond Nilo kanina, limang araw matapos siyang barilin sa loob ng isang kapilya sa Zaragoza, Nueva Ecija samantalang naghahandang magdiwang ng Misa.


Inilibing siya sa San Nicolas Tolentino parish church.  Pinamunuan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang misa.  Nag-alay din ng mga puting bulaklak ang mga dumalo sa misa at libing.


Nadakip na ang isa sa mga pinaghihinalaan kagabi at nakilala sa pangalang Adell Roll Milan.  Hinahanap pa ang ilang mga pinaniniwalaang nasa likod ng pamamaslang.


Nadakip si Milan sa isang barangay sa San Isidro, Nueva Ecija mga ika-anim at kalahati ng gabi.  Isang sacristan ang nakakilala sa nadakip.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino