Sister Patricia Fox, pinayagang manatili sa bansa

2018-06-19 17:03:11

 

SR. PATRICIA ANNE FOX.  Nagdesisyon ang Department of Justice na makapananatili sa Pilipinas ang misyonerang mula sa Australia matapos maglabas ng kautusan ang Bureau of Immigration na kailangang bumalik na sa kanyang bansa ang misyonera.  Nasa larawan din si dating Congressman Rafael Mariano.  (File Photo/Melo Acuna)

PINAYAGAN ng Department of Justice sa pamamagitan isang resolusyong nilagdaan ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra na manatili sa bansa si Sr. Patricia Anne Fox, ang 71-taong gulang na madreng mula sa Australia.


Magugunitang inatasan siya ng Bureau of Immigration na bumalik na sa Australia dahil sa pakiki-alam umano sa mga usaping hinggil sa mga Filipino.


Niliwanag ni Secretary Guevarra na ang pagbawi sa missionary visa ni Sister Pat ay walang “legal basis.”


Binigyan umano ng batas ng kaukulang poder ang Bureau of Immigration na sasaklaw sa mga banyaga at sa kanilang mga dkumento subalit ang pagpapawalang-saysay ng visa na ibinigay ng Department of Foreign Affairs ay hindi nito saklaw.


Ang ginawa umano ng Bureau of Immigration sa kaso ni Sister Patricia ay higit sa itinatadhana ng batas kaya't kailangang pawalang-saysay, dagdag pa ni Secretary Guevarra.


Samantalang isang prebilihiyo ang pagkakaroon ng visa, hindi ito basta na lamang mapapawalang-saysay.


Nananatiling may bisa ang mga dokumento ni Secretary Fox hanggang sa magkaroon ng desisyon ang Bureau of Immigration sa visa cancellation and deportation case ng misyonera na hindi pa natatapos sa pagdinig.  Hindi basta makapagdedesisyon ang Department of Justice sa petisyon ni Sister Fox hanggang hindi tapos ang mga pagdinig sa Bureau of Immigration. 


Sapagkat hindi pa tapos ang pagdinig, makakapanatili si Sister Patricia Anne Fox sa bansa at makapagpapatuloy sa kanyang gawain sa pagmimisyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino