Dalawang manggagawang Filipino, natagpuang patay sa Gitnang Silangan

2018-06-19 17:05:45

 

DALAWANG kasambahay ang natagpuang patay sa Lebanon at Saudi Arabia noong nakalipas na lingo.


Sinabi ng Department of Foreign Affairs na inaalam na ng mga Embahada ng Pilipinas sa Beirut at sa Riyadh ang detalyes at nakikipagtulungan na sa mga autoridad.  Inaalam kung walang krimen sa likod ng kamatayan ng dalawa.


Lumabas sa balitang nagpatiwakal ang dalawa.  Mula sa Cagayan ang isa samantalang mula naman sa Agusan del Sur ang pangalawa. 


Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na ipararating ang kaukulang tulong sa mga naulila.  Ang manggagawa at natagpuang patay sa Lebanon noong nakalipas na Lunes, ika-11 ng Hunyo samantalang ang pangalawa ay sa tahanan ng amo sa Saudi Arabia sa Al Hasa, may 350 kilometro mula sa Riyadh noong Martes, ika-12 ng Hunyo.




Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino