Kasong libelo ng mga Garin laban sa mga kapwang manggagamot inilipat na sa Maynila

2018-06-20 16:27:48

 

INIUTOS ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra na pangasiwaan ni Senior Assistant State Prosecutor Lilian Doris S. Alejo ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa mga usaping mula sa reklamo nina Congressman Oscar Garin at kanyang maybahay, si dating Health Secretary Janette Garin laban kina Dr. Paulyn Ubial, Francisco Cruz, Anthony Leachon, Tedoro Herbosa.


Nagreklamo rin ng libelo sina Dr. Julius A. Lecciones, Lyndon Lee Suy, Maria Carolina Vidal-Taino at Mario C. Villaverde laban kay Dr. Francisco Cruz.


Ipinalipat na ang pagsisiyasat mula sa Iloilo City patungo sa Department of Justice sa Maynila.  Ipinalilipat na rin ang lahat ng mga dokumento sa Office of the Prosecutor General sa Kagawaran ng Katarungan sa Maynila.






Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino