May sapat na dahilang ireklamo si dating Transport Secretary Abaya

2018-06-26 11:29:01

 

SINABI ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na may sapat na dahilan upang ipagsakdal si dating Transport and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya ng katiwalian hinggil sa maintenance contract ng Metro Rail Transit Line 3.


Sa isang pahayag, sinabi ng tanggapan ni Ombudsman Morales na posibleng maharap sa usaping may kinalaman sa paglabag sa itinatadhana ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

 

Maaari pang umapela si dating Secretary Abaya sa rekomendasyon ng special panel of investigators sa pagpapaabot ng motion for reconsideration.

 

Kasamang inirekomendang ipagsakdal ang mga dating Undersecretary Edwin Lopez, Rene Limcaoco at Catherine Jennifer Gonzales, dating MRT3 general manager roman Buenafe, at limang iba pa mula sa Kagawaran.


May pitong iba pang idinawit sa anomalya.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino