Prosecutor General, nagbitiw

2018-06-28 21:04:14

PUMAYAG si Justice Secretary Menardo Guevarra sa kahilingan ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan, Jr. na palitan na sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng National Prosecution Service.

Si G. Jorge Catalan ay naglilingkod din bilang City Prosecutor ng Makati at itinatalaga ni Justice Secretary Guevarra bilang chief state prosecutor kamakailan. Bagama't masaya siyang naglingkod sa tanggapan, mahihirapan umano siyang manatili sa dalawang posisyon.

Ayon kay Justice Secretary Guevarra, pinagbigyan niya ang kahilingan ni G. Catalan na magkakabisa mula bukas ng hapon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino