Pagpaslang kay Mayor Halili, posibleng may koneksyon sa illegal na droga

2018-07-03 11:35:14

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman ang pagpaslang kay Mayor Antonio Halili sa pagkakasangkot umano sa kalakal ng illegal na droga.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na kahalintulad ng pagkamatay nina Ozamiz Mauor Reynaldo Parojinog at dating Albuera Mayor Ronaldo Espinosa.

Pag ginamit umano ang poder sa kalakal ng illegal na droga, ay may kahihinatnan. Ani Pangulong Duterte, hindi niya alam ang pumatay subalit binalaan na ang mga punongbayan na huwag papasok sa illegal na droga.

Samantala, sinabi naman ni Spokesman Secretary Harry Roque na kinokondena nila ang pagpaslang at napakaaga pa upang gumawa ng pahayag sa pagkakapaslang sa alcalde samantalang may pagsisiyasat pang ginagawa ang mga autoridad.

Sinabi ni Pangulong Duterte na palabas lamang ang pagpaparada sa mga drug pusher kasabay ng pananakit. Kabilang umano si halili sa inalisan ng poder sa pulisya sanhi ng pagkakasangkot sa illegal drugs.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino