Pabagu-bagong pahayag ni Pangulong Duterte, nakasasama

2018-07-03 11:42:03

NANINIWALA naman si National Democractic Front Consultant at dating Congressman Satur Ocampo na malapit nang makamtan ang nais na kapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at pamahalaan kung hindi biglang nagbago ang paniniwala ni Pangulong Duterte.

Sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kanina, niliwanag ni G. Ocampo na kahit sina peace Adviser Jesus Dureza ay nagsabing malapit nang magkasundo ang magkabilang panig bago natapos ang buwan ng Hunyo kung hindi naiba ang pahayag ng pangulo noong kalagitnaan ng buwan.

Samantala, sinabi ni G. Ocampo na hindi labag sa batas ang pagpapalawak at pangangalap ng mga kasapi ang mga Komunista sapagkat mayroon ding mga pagkilos ang pamahalaan samantalang walang mga labanang nagaganap.

Sa karanasan ng mga Moro National Liberation Front, umasa na lamang sila sa kaunlarang ipinangako ng pamahalaan kaya't marami ang umalis sa hanay at tuluyan nang nabawasan ang kanilang hanay.

Hindi umano magaganap ang pangyayaring ito sa New People's Army, Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino