Punongbayan ng General Tinio, binaril, patay

2018-07-04 17:49:38

 

BINARIL at napatay si Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija mga ika-apat at kalahati ng hapon sa labas ng tanggapan ng National Irrigation Administration sa Cabanatuan City.


Isinugod siya sa M. V. Gallego Cabanatuan General Hospital subalit patay na ng dumating sa pagamutan.


Batid na nina PNP Region 3 Director Amador Corpus at PNP chief Director General Oscar Albayalde ang pagpaslang.  Si Mayor Bote ang ikalawang punongbayan na napaslang sa loob ng 48 oras kasunod ng pagkakabaril kay Tanauan City Mayor Antonio Halili samantalang idinaraos ang flag raising ceremony kahapon ng umaga.


Kabilang si Mayor Bote sa Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan na pinamumunuan ni Senador Aquilino Pimentel III.


Wala pang motibong nababatid ang pulisya.  Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino