Magkasunod ng pagpaslang sa mga punongbayan, pagtatangkang sirain ang pagtitiwala ng taongbayan

2018-07-05 14:20:28

KINIKILALA ng Malacanang na ang magkasunod na pagpatay sa dalawang punongbayan kamakalawa at kahapon ay pagtatangkang sirain ang pagtitiwala ng taongbayan kay Pangulong Duterte kasabay ng pagtangging mayroong “culture of impunity” sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ni Akbayan Congressman Tom Villarin na nanisi kay Pangulong Duterte sa pagkamatay ng dalawang punongbayan. Si G. Duterte umano ang nagbigay ng karapatang pumatay sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs.

Nanindigan si Secretary Roque na walang “culture of impunity” sa bansa at hindi kailanman kinokunsinte ng pamahalaan ang krimen.

Tumatalima pa umano ang bansa sa batas kaya't walang dahilan upang paniwalaan ang pahayag ng mambabatas. Pagtatangka lamang umano ang paninisi na wasakin ang paniniwala ng taongbayan sa programa ni Pangulong Duterte.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino