Posibleng magdeklara ng Martial Law sa buong bansa

2018-07-05 14:24:06

SINABI ng Communist Party of the Philippines na nagbabalak ang Pamahalaang Duterte at ang Armed Forces of the Philippines upang madali ang pagdedeklara ng Martial Law sa buong bansa.

May mga propagandang nagmula kina Defense Secretary Delfin Lorenzana upang durugin ang Communist Party of the Philippines at nang tuluyan ng magkagulo at malito ang mga mamamayan.

Wala umanong katotohanan ang sinasabing pagsasanib puwersa upang mapatalsik si Pangulong Duterte. Wala rin umanong katotohanan ang mga pahayag na mayroong mga makakaliwang grupo sa loob ng Simbahan.

Bumaliktad ang maaanghang na pahayag ni Pangulong Duterte sa Simbahan kaya't kung anu-anong mga kwento na ang nagmula sa pamahalaan tulad ng pagsasanib ng mga Komunista at Simbahan laban sa pamahalaan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino