Pagsisiyasat sa naganap sa Cebu, tuloy pa

2018-07-11 08:26:38

 

SINABI ng Arkediyosesis ng Cebu na isang lalaki ang napaslang samantalang nagtatangkang makaharap si Arsobispo Jose Palma kaninang umaga.  Tumawag umano ng pulis ang mga nagbabantay sa tahanan ng arsobispo matapos magpakita ng kakaibang kilos ang lalaki.


Hinayaan na ng Arkedyosesis ng Cebu na pulis na ang kumilala sa napaslang.  Wala naman umanong nabatid na pagtatangka sa buhay at kaligtasan ni Arsobispo Palma na nagkataong wala sa kanyang tahanan ng maganap ang insidente.


Humiling ng panalangin para sa napaslang ang tanggapan ni Arsobispo Palma at nakiusap na huwag gumawa ng kung anu-anong sapantaha samantalang tuloy pa ang pagsisiyasat.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino