Localized peace talks, kinontra ng Communist Party of the Philippines

2018-07-16 17:12:34

TINANGGIHAN ng Communist Party of the Philippines ang panukala ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng “localized peace talks” sapagkat magtatangka si Pangulong Duterte na nagnanais ng kapayapaan samantalang naglulunsad ng pakikidigma laban sa mga mamamayan,

Ayon sa pahayag mula sa CPP, ito ang kanilang reaksyon sa balitang nagmula sa Malacanang na nagsabing maglalabas ng executive order na magsusulong ng peace talks sa iba't ibang bahagi ng bansa samantalang nakabimbin ang pag-uusap ng pamahalaan at National Democratic Front.

Ang sinasabing localized peace talks ay pagkukunwari lamang at pag-aaksaya ng salapi ng taongbayan na hindi naman magtatagumpay. Isang psychological warfare tactic lamang ito upang magkunwaring nagwawagi samantalang nahihirapan ang Armed Forces of the Philippines na masupil ang pakikidigma ng mga mamamayan sa likod ng paglago ng kasapi sa New People's Army. Magpapatuloy ang pakikibaka.

Isusunod ang localized peace talks sa maanomalyang “balik-baril” program, ang Comprehensive Local Integration Program at ang pagpapasuko ng mga pumapanig sa mga kalaban ng pamahalaan.

Tanging ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal at mga kawal ang siyang makikinabang sa localized peace talks at ang salaping ilalaan ditto ay matutungo sa bulsa ng mga nangangasiwa.

Magpapakitang muli ang mga kawal at mga opisyal ng mga pamahalaang-lokal ng mga susuko tulad ng halos 8,000 mga sumuko mula noong Enero samantalang mayroon lamang 3,000 kasapi ang New People's Army.

Anang CPP, sa magaganap na localized peace talks, makikipag-usap lamang si Pangulong Duterte sa kanyang sariling anino.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino