Department of Foreign Affairs naghahanda sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa Nicaragua

2018-07-20 17:22:30

 

NAKAUSAP na ni Consul Ma. Carmela Teresa Cabrera ang mga 86 na Filipino sa may kaguluhang bansa ng Nicaragua at inalok na gamitin na ang voluntary repatriation program ng pamahalaan.  Ito ay kasunod ng pag-uwi ng may 51 mga inabusong manggagawa sa Abu Dhabi kamakalawa.


Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs, sinabi ni Secretary Alan Peter Cayetano na makatitiyak ang mga Filipino sa Nicaragua na handa silang tulungang makauwi sa Pilipinas anong oras man nila naisin.


Pinayuhan din ni Secretary Cayetano ang mga Filipino na manatiling mapagbantay at maging handa sa anumang posibleng maganap.


May tatlong Filipino na ang nakauwi mula sa Managua noong ikawalo ng Hulyo at dumating sa bansa noong ika-sampu ng Hulyo. 


Binabantayan ni Philippine Ambassador to Mexico Demetrio Remedios Tuason ang mga nagaganap sa Nicaragua mula ng magulo ang bansa noong nakalipas na Abril.


Nagsimula ang gulo sa Nicaragua ng simulang bawasan ni Pangulong Daniel Ortega ang benepisyo sa social security at tinaasan ang mga buwis.  Kahit pa hindi na ginalaw ang kalakaran ni Pangulong Ortega, tuloy pa rin ang kaguluhan.


Magugunitang mula sa bilang na higit sa 100 milyong mga Filipino sa bansa, may 10.2 milyon ang nasa iba't ibang bahagi ng daigdig upang manirahan at maghanap-buhay.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino