Estados Unidos, maglalaan ng US$ 26.5 milyon

2018-07-20 17:23:32

 

IBINALITA ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na may iaambag ang kanilang pamahalaang US$ 26.5 milyon upang higit na mapasigla ang kampanya laban ng Pilipinas sa terorismo at “violent extremism.”


Sa isang pahayag, sinabi ni Ambassador Sung Kim na ang halagang ito na halos isa't kalahating bilyong piso ang magpapasigla sa programa ng bansa laban sa terorismo sa pamamagitan ng law-enforcement agencies na kabibilangan ng pagsasanay, kagamitan at pamamaraan upang huwag makakilos ang mga terorista, mapigil ang daloy ng salapi at iba pang labag sa batas na gawain.


Higit na gagana ang kakayahan ng mga autoridad na magsiyasat at maglitis sa mga usaping may kinalaman sa terorismo.


Ani Ambassador Sung Kim, patunay lamang ito ng pakikiisa ng Estados Unidos sa malawakang kampanya laban sa banta ng mga terorista at pagtulong sa Armed Forces of the Philippines.

Estados Unidos, maglalaan ng US$ 26.5 milyon


AMERICA, NAGLAAN NG SALAPI LABAN SA TERORISMO.  Ito ang sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim.  (File Photo/Melo M. Acuna)

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino