Mga manggagawa mula sa iba't ibang grupo, magtitipong muli

2018-07-20 17:26:26

 

SA ikalawang pagkakataon, magsasama-sama na naman ang mga kinatawan ng iba't ibang samahan ng mga manggagawa upang magbigay ng impormasyon sa kalagayan ng kanilang hanay.


Magkakasama sina Atty. Sonny Matula ng Federation of Free Workers, Rene Magtubo ng Partido Manggagawa at Elmer Labog ng Kilisang Mayo Uno sa isang press briefing sa Maynila bukas ng umaga.  Paksa nila ang “Kalagayan ng Mangggagawa sa ilalim ng Gobyernong Duterte.”


Kabilang sa kanilang isyu ang tumataas na inflation, paghina ng piso sa dolyar, pagbagsak ng investments, mabalam na kalakalan at maging ang pagkabalam ng programang Build, Build, Build.  Bibigyang pansin din ang kawalan ng hanapbuhay na patuloy na tumataas sa paglipas ng panahon.


Ipinagtatanong nila na sa likod ng mga pagsusuri na nagsasabing maraming mga Filipino ang tutol sa pagbabago ng Saligang Batas ay itinatampok pa ng pamahalaan ang Charter Change at Federalismo.


Mga manggagawa mula sa iba't ibang grupo, magtitipong muli


MGA MANGGAGAWA, MAGSASANIB NA NAMAN.  Sinabi ni Atty. Sonny Matula, angulo ng Federation of Free Workers na makakasama nila ang mga kinatawan ng iba't bang grupo upang magulat sa tunay na kalagayan ng hanay nila. (File Photo/Melo M. Acuna)


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino