Small-scale miners, dapat ding daluhan ng mga kumpanya at pamahalaan

2018-07-31 18:43:37

NANINWALA si Dr. Walter W. Brown, pangulo at chief executive officer ng Atlas Mining Corporation at Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA) na kailangang daluhan ang mga maliliit na nagmimina sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa isang press briefing, sinabi ni Dr. Brown, marapat kilalanin ang mga maliliit na nagmimina at tulungan upang makasama sa pag-aalaga ng mga minahan at kapaligiran. Niliwanag niyang sa pagtutulungan ng iba't ibang sektor, mapapangalagaan ang kalikasan.

Ito ang kanyang reaksyon sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong nakalipas na Lunes, ika-23 ng Hulyo.

Niliwanag ni Dr. Brown na ang mga maliliit na nagmimina sa iba't ibang bahagi ng bansa ang siyang biktima ng mga mangingikil na rebeldeng kabilang sa New People's Army, mga tiwaling pulis at kawal at maging mga opisyal ng mga pamahalaang local.

Naniniwala rin si Engr. Rufino Bomasang, isa sa mga director ng PMSEA na magkukulang ang kuryente sa bansa sa oras na ipasara ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga open pit mining, lalo na ang pinagkukunan ng uling sa Semirara sa Kabisayaan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino