Pinaghihinalaang sangkot sa pagsabog sa Basilan, nadakip

2018-08-02 19:56:00

SINISIYASAT na ng mga pulis sa Basilan Provincial Office ang isang nagngangalang Indalin Jainul alais Abdulgani na nadakip. Sangkot umano si Jainul sa naganap na pagsabog noong Martes na ikinasawi ng 11 katao.

Ayon sa mga kawal, si Jainul ay tumutulong sa mga Abu Sayyaf na tanyag sa kanilang pagdukot at pangungulimbat sa Basilan.

Isang granada ang sinasabing dala ng pinaghihinalaan ng madakip. Kinilala na rin ang may-ari ng sasakyang ginamit sa pagpapasabog.

Ayon sa Islamic State, isang suicide attack ang naganap. Samantala, sinabi naman ng Armed Forces na lahat na lamang ng kaguluhan sa Mindanao ay inaamin ng Islamic State.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino