Mga mambabatas na kabilang sa oposisyon, makatatanggap ng biyaya

2018-08-04 17:17:56

 

HINDI itutuloy ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang ginawa ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na hindi pagbibigay ng budget sa mga kabilang sa oposisyon para sa kanilang mga nasasakupan.


Sa isang panayam, sinabi ni Speaker Macapagal-Arroyo na bibigyan ang lahat ng budget bilang pakikipagmabutihan sa mga nasa oposisyon.


Ang gawing ito ay taliwas sa ginawa ni Speaker Alvarez na hindi naglaan ng budget sa sinasabing mga kalaban ng administrasyon.  Lahat ng mga distrito ay mabibigyan ng kanilang allocation, dagdag naman ni Majority Leader Rolando Andaya, Jr.


May posibilidad na dagdagan pa ang kulang na pondo, paliwanag pa ni Congressman Andaya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino