Bagong partido, nadaragdagan ng kasapi

2018-08-04 17:23:20

 

SA likod ng mga pahayag na hindi kakandidato sa pangbansang posisyon si Mayor Sara Duterte, pinasumpa niya sa kabubuong Hugpong ng Pagbabago sa Tagum, Davao del Norte sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Senador na sina JV Ejercito at Cynthia Villar at maging si Davao del Norte Congressman Antonio Floirendo at si Special Assistant to the President Bong Go.


Una ng binanggit ni Governor Marcos na suportado niya ang HNP at dumalo pa sa unang pagtitipon sa paglulunsad ng Tapang at Malasakit program.


Sinabi na ni Mayor Sara Duterte Carpio na handa ang kanyang grupo na makipag-alyansa sa iba pang partido political.


Accredited ng Comelec ang HNP bilang isang regional party.  Nabuo ang HNP kasama ang apat na gobernadora ng Region 11 na may bendisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.  Makakasabay ang HNP ng Partido ng Demoktratikong Pilipino-Lakas ng Bayan at Liberal Party sa paglulunsad ng mga kandidato para sa iba't ibang posisyon sa darating na halalan sa Mayo, 2019.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino