Pagbabalik-aral sa K-12 kailangan

2018-08-09 10:30:28

 

NANINDIGAN si Alliance of Concerned Teachers Representative France L. Castro na kailangang pagbalik-aralan ang K-12 program ng pamahalaan sapagkat nakalimang taon na ito.


Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Congresswoman Castro na kailangang suriin kung nakatulong ba and bagay na ito sa mithi ng pamahalaang mapahusay ang kakayahan ng mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang sa Senior High School.


Samantala, sinabi ni Marikina Congressman Bayani Fernando na hindi siya kumbinsido sa mas mahabang pag-aaral ng mga kabataan.  Ang mahalaga umano ay ang kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral.  Sa kanyang pagsusuri, aabot lamang sa 20% ng mga aklat ang nabubuklat ng mga mag-aaral sa elementarya.


Para kay 1-Ang Edukasyon Congressman Salvador Belaro, Jr., ang mahalaga ay magabayan ang mga kabataan sa basic education kung ano ang tatahaking direksyon sa pamamagitan ng epektibong guidance and counseling program.


Naniniwala naman si Commission on Higher Education (CHED) Officer-In-Charge Dr. Prospero de Vera III na marami ang makikinabang sa free tuition program ng pamahalaan sapagkat ang mahihirap na determinadong mag-aral ay makapagpapatuloy na sa kolehiyo.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino