Dalawang senador, nagtatanong sa dagdag na budget para sa federalism information drive

2018-08-09 10:37:31

 

Dalawang senador, nagtatanong sa dagdag na budget para sa federalism information drive


 K-12 PROGRAM, DAPAT SURIIN.  Kailangang pagbalik-aralan ang K-12 ng Department of Education.  Ito ang sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France L Castro sa Wednesday Roundtable @ Lido.

Dalawang senador, nagtatanong sa dagdag na budget para sa federalism information drive


MAS MAHALAGA ANG KALIDAD KAYSA PANAHON. Naniniwala naman si Congressman Bayani Fernando na wala sa haba ng panahon sa paaralan ang tagumpay ng mag-aaral kungdi sa kalidad ng kanyang pinag-aralan. 

Dalawang senador, nagtatanong sa dagdag na budget para sa federalism information drive


 KABATAAN DAPAT MAGABAYAN.  Ito ang paniwala ni 1-Ang Edukasyon Party List Salvador B. Belaro, Jr.  Sa pamamagitan ng mabisang Guidance and Counseling program, matutulungan ang mga kabtaang magdesisyon kung ano'ng pag-aaralan sa kolehiyo.

Dalawang senador, nagtatanong sa dagdag na budget para sa federalism information drive


FREE TUITION MALAKING BAGAY.  Naniniwala si Commission on Higher Education officer-in-charge Dr. Prospero de Vera III na madaragdagan ang mga papas sa Kolehiyong saklaw ng pamahalaan dahil sa free tuition program ng gobyerno.

 

IPINAGTATANONG ng dalawang mambabatas kung bakit humihiling ng P 90 milyon ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa information campaign para sa federalism.


Nagtatanong si Senador Francis Escudero kung bakit kailangan ng paglalaan ng salapi para sa federalism program na hindi pa naman nakakapasa sa Senado.  Ani Senador Escudero, hindi pa naipapasa kaya't hindi kailangan ang pagkakaroon ng information campaign.  Isang panukalang saligang batas pa lamang na pagdedebatehan sa House of Representatives.  Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na budget hearing sa Senado kanina.


Nagtanong din ang senador kung saan kukunin ang salapi samantalang hindi nababanggit sa panukalang budget ng pamahalaan para sa taong 2019.


Nakagugulo umano ang panukalang ito, ayon naman kay Senador Loren Legarda.  Marami umanong bersyon ng federalism kaya't mahirap bigyan ng pondo kung aling bersyon ang ikakampanya ng PCOO.


Inamin din ni Finance Secretary Carlos Dominguez na naguguluhan din siya sa mga lumalabas na bersyon subalit natutuwa siyang pinag-uusapan na ito ng mga mamamayan.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino