Ekonomiya, lumago ng 6.0 percent sa ikalawang kwarter ng 2018

2018-08-10 16:54:08

 

LUMAGO ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang kwarter ng taong 2018 ng 6.0%.  Ito umano ang “real growth rate,” ani Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia sa isang press briefing kanina.  Ang nobimal GDP growth ay umabot sa 9.6 percent.


Kahit umano kanilang ang Pilipinas sa mauunlad na ekonomiya sa Asia, kasunod ng Vietnam na mayroong 6.8 growth at Tsina na nagkaroon ng 6.7 percent growth, naunahan naman ang bansang Indonesia na nagkaroon ng 5.3% growth.  Bagaman, sinabi ni Secretary Pernia, ang nakamtan ng bansa ay mas mababa sa kanilang inaasahan.


Kailangang makamtan ng Pilipinas ang 7.7 percent na kaunlaran sa ikalawang bahagi ng taong 2018 upang nakamit ang inaasahang 7.0 hanggang 8.0 percent sa buong taon ng 2018.  Binanggit ni Secretary Pernia na ang pagbagal ng ekonomiya ay dahil na rin sa ilang mga desisyong Ginawa ng pamahalaan na inaasahan naming magbubunga ng mabuti sa matagalang panahon.


Ang mga desisyong ito ay kinabibilangan ng pansamantalang pagpapasara ng Boracay mula Abril hanggang Oktubre ng 2018 at ang pagbagal kan exports sa unang tatlong buwan ng 2018.


Apektado rin ang ekonomiya dahil sa pagpapasara ng ilang minahan at excise tax sa non-metallic at metallic minerals.  Walang buhay umano ang mining at quarrying sector sa pagbaba nito ng 10.9 percent.


Ang mahigpit na pagpapatupad ng alituntunin sa aquaculture producers sa Laguna Lake ang nagpabagsak sa freshwater fish catch, dagdag pa ng kalihim.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino