Department of Foreign Affairs, nagmamanman sa naganap sa London

2018-08-16 11:03:14

 

SINABI ng Department of Foreign Affairs na inaalam pa nila ang detalyes ng isang pangyayari sa labas ng Parliamento ng United Kingdom.


Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na inaalam nila ang naganap na pagtatangkang makapasok ng isang sasakyang puersahang bumangga sa road barriers sa labas ng House of Parliament sa London, ilang minuto bago sumapit ang ikawalo ng umaga sa London o ilang minuto bago sumapit ang ikatlo ng hapon sa Maynila.


Nakikipagtulungan na ang mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa London upang mabatid kung mayroong Filipinong nasugatan sa insidente.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino