European Union, naglaan ng €2 milyon para sa Mindanao

2018-08-17 18:27:12

MAY dagdag na ayuda ang European Union para sa Mindanao. Ito ay nagkakahalaga ng € 2 milyon o US.273 milyon upang matulungan ang mga mamamayang napapagitna sa kaguluhan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Christos Stylianides, ang Commissioner para sa Humanitarian Aid and Crisis Management, daang libong mga mamamayan ang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan upang makaiwas sa kaguluhan.

Ani G. Stylianides, iniwan ng mga lumikas ang kanilang mga tahanan, gawain at maging mga bukirin kaya't hirap sila ngayon at naghihintay ng tulong. Nakikiisa ang European Union sa kanilang kalagayan. Sinabi ng European Union na mayroong 500,00 katao ang nangangavilangan ng tulong. Kabilang ditto ang may 270,000 lumikas mula sa kanilang mga tahanan at may 100,000 mga kabataang wala sa mga paaralan.

Ayon sa European Union, ang kaguluhan ay naging dahilan upang magkulang ang basic services at maging kabuhayan kya't nangangailangan ng tulong.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino