Mambabatas, nanawagang ihayag ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng pangulo

2018-08-20 18:17:11

HINILING ni Magdalo Congressman Gary Alejano na ihayag ng Malacanang ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mawala ang mga maling akala ng mga mamamayan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Congressman Alejano na maiibsan ang mga pagdududa at pagkabahala ng mga mamamayan matapos ilang ulit sabihin ni Pangulong Duterte na magbibitiw na siya sapagkat pagod na siya at hirap na rin sa kanyang pagganap sa gawain ng pangulo ng bansa.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang magbitiw kung ang hahalili sa kanya ay si Senador Francis Escudero o si dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. o isang junta sapagkat hindi siya naniniwalang may sapat na kakayahan si Pangalawang Pangulong Leni Robredo na pamunuan ang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino