Atty. Jude Sabio, naniniwalang magpapatuloy ang usapin

2018-08-29 11:49:52

LAGING may paraan at dahilan si Secretary Harry Roque upang ipagtanggol si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito naman ang pahayag ni Atty. Jude Sabio sa isang mensahe sa tagapagbalitang ito.

Sa pahayag umano ni Secretary Roque, lumabas na ang desisyong umalis sa ICC ni Pangulong Duterte ay upang makaiwas sa anumang pananagutan sa batas at manatiling malaya.

Di tulad ng pahayag ni Secretary Roque, sinabi naman ni Atty. Sabio na magpapatuloy ang usapin sa ICC kahit pa tumalikod si Pangulong Duterte sa Rome Statute. Ipinarating umano ni Atty. Sabio ang kanyang komunikasyon sa ICC noong Abril ng 2017 at nagsabi ang ICC na magsisiyasat sila noong nakalipas na Pebrero ng 2018. May bisa lamang ang pag-atras sa Rome Statute sa mga susunod na panahon at hindi kailanman magiging retroactive, dagdag pa ni Atty. Sabio.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino