Pagsama ng mga magreretirong opisyal ng militar at pulis, kinondena

2018-08-29 11:52:07

HINDI makatwiran ang balak ni Pangulong Duterte na magsama ng mga magreretirong mga opisyal ng militar at pulis sa kanyang paglalakbay sa Israel sa ikalawang araw ng Setyembre bilang pabuya sa kanilang paglilingkod.

Ito ang sinabi ni Akbayan Congressman Tom Villarin na nagpaliwanag na taliwas ito sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga walang saysay na paglalakbay palabas ng bansa.

Naunang binanggit ni Pangulong Duterte na balak niyang isama ang ilang mga magreretirong opisyal ng militar at pulis sa kanyang napipintong paglalakbay sa isang panayam sa Libingan ng mga Bayani kahapon ng umaga. Hindi umano ito makatwiran, dagdag pa ng mambabatas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino