Isa ang nasawi, maraming sugatan sa pagsabog sa Sultan Kudarat

2018-08-30 17:26:06

 

ISA ang nasawi sa pagsabog ng isang improvised explosive device kagabi bago sumapit ang ika-siyam sa Barangay Kalawag, Isulan, Sultan Kudarat province.  Inilagay umano ang pampasabog sa isang motorsiklo.


Bukod sa isang nasawi, may 37 iba pa ang isinugod sa pagamutan, dalawa sa kanila ang nasa malubang kalagayan.  Wala pang grupong nagsasabing sila ang nasa likod ng pagpapasabog.  Magugunitang karaniwang ginagamit ng mga nangingikil na sindikato ang improvised explosive device upang magkamit ng salapi mula sa mga negosyante at mayr-ari ng mga sasakyang pangpubliko.





Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino