Mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters pinahihinalaang nasa likod ng pagsabog

2018-08-30 17:29:02

 

NANINIWALA ang mga tauhan ng Philippine Army mula sa 6th Infantry Division na nagmula ang pagpapasabog kagabi sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.  Ayon kay Captain Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, nagbabalak ang BIFF na maghasik ng gulo sa nasasakupan ng kanilang dibisyon.


Nagpasabog sila sa Sultan Kudarat upang ilayo sa kanilang balak na pagpapasabog sa Marbel.  Mayroong pagdiriwang sa Isulan kaya't doon nila ginawa ang pagpapasabog na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng halos apatnapung iba pa.


Balak lamang ng BIFF na maghasik ng takot at lagim sa mga mamamayan. Dalawa sa mga nasugatan ang mga kawal samantalang isang kasapi ng CAFGU ang nasugatan din sa pagsabog.


Wala naman umanong nakikitang koneksyon sa ISIS o Islamic State of Iraq and Levant ang naganap kagabi.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino