Supertyphoon Mangkhut, nakapasok na sa Pilipinas

2018-09-13 17:53:29

 

GANAP na ikatlo ng hapon ng pumasok ang bagyong “Mangkhut” na may pangalang “Ompong” sa Philippine Area of Responsibility.


Nagbabala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga mamamayan na magsimulang makararanas ng malakas na ulan mula bukas.


Madarama si “Ompong” sa Northern Luzon, Cagayan at Cordilleras at Central Luzon.  Higit na titindi ang habagat sa Kabisayaan, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA.


Sa isang press briefing, sinabi ni Undersecretary Ricardo Jalad na sa paglapit ng abgyo, higit na lalakas ang buhos ng ulan. Inaasahang tatami sa lupa si “Ompong” sa Sabado ng umaga subalit madarama na ang pag-ulan bukas hanggang sa Biyernes.


Magkakaroon ng preemptive evacuation sa mga pook na madalas binabaha, dagdag pa ni Undersecretary Jalad.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino