Mga naninirahan sa Itogon, pinagsabihan na ng pamahalaang lokal

2018-09-18 18:32:01

NAGTUNGO ang mga alagad ng batas at mga kinatawan ng pamahalaang lokal sa Ucab, Itogon, Benguet, ilang araw bago dumaan ang bagyong “Ompong.” Ito ang sinabi ni Engr. Salvio B. Laserna ng Mines and Geosciences Bureau sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kaninang umaga.

Ipinaliwanag ni G. Laserna na dumalaw ang mga tauhan ng pulisya at pamahalaang lokal upang sabihan ang mga mamamayang lumikas na sapagkat malakas ang bagyong darating na mayroong matinding ulang dala. Nangangahulugan ito ng pagbaha at posibleng paguho ng lupa.

Ipinaliwanag din ni Dr. Esperanza Cayanan, namumuno sa Weather Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Sciences Administration o PAGASA, na karaniwang dumaraan sa Pilipinas ang hanggang 20 bagyo sa bawat taon. Sampu sa mga ito ang tumatama sa lupa sa alinmang bahagi ng bansa.

Noon umanong 1993, higit sa 30 bagyo ang dumaan sa bansa.

Nagpapasalamat din silang mayroong makabagong kagamitan ang kanilang tanggapan sapagkat nakapagbibigay na sila ng limang araw na forecast.

Sa panig ni Social Welfare and Development Undersecretary Hope Hervillo, maayos ang kanilang mga pagkaing ipinamamamahagi sapagkat balot ng maayos ang kanilang ipinamamahagi sa mga biktima. Kabilang dito ang bigas, mga de lata at iba pang pagkain. Mayroon ding isinasaayos na pagkaing ipamamahagi sa mga evacuation site. May mga nagakkaroon ng community kitchen upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima. May mga soup kitchen na itinatag upang makatulong sa lahat ng mga biktima.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino