Pagdalaw ni Foreign Minister Wang Yi, 'di itinuloy

2018-09-18 18:36:59

DAHIL sa pananalasa ng bagyong “Ompong,” minabuti ng Pilipinas at Tsina na huwag na munang ituloy ang nakatakdang pagdalaw ni State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa Pilipinas na nakatakdang magsimula kahapon at magtatapos bukas.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs, nagkasundo ang magkabilang-panig sa pagpapaliban sa mga susunod na panahon sapagkat abala ang mga opisyal ng Pilipinas sa pagdalo sa mga biktima ng bagyo at abala rin ang Department of Foreign Affairs sa pagtanggap at pakikipag-ugnayan sa mga bansang nagpahayag na pagtulong sa pangangailangan ng mga nasalanta.

Tuloy pa rin ang pag-uugnayan ng magkabilang panig kahit 'di natuloy ang pagdalaw sa bansa, dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino