Bangko Sentral Governor Espenilla, magpapagamot

2018-09-19 11:22:22

 

SASAILALIM sa pagpapagamot si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A.  Espenilla Jr. sa susunod na dalawang linggo.


Ito ang kanyang mensahe sa mga mamamahayag kanina.  Mula bukas hanggang ikalawang araw ng Oktubre ang kanyang bakasyon.  Magugunitang nabanggit niyang mayroon siyang kanser sa dila na nabatid noong Nobyembre ng 2017.


Noong nakalipas na Marso, sinabi niyang natapos na niya ang kanyang radiation treatment at umaasang makakabalik na sa normal ang kanyang kalagayan.


Si BSP Deputy Governor for Financial Supervision Sector Chuchi Fonacier ang magiging officer-in-charge.


Magpupulong ang Monetary Board sa darating na Huwebes, ika-27 ng Setyembre upang pag-usapan kung mangangailangan ng pagbabago sa kanilang monetary policies.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino