“Golden Age of Infrastructure” nasa Pilipinas na

2018-09-19 11:25:13

 

SINABI ng mga opisyal ng pamahalaang malaki ang magagawa ng mga pagawaing-bayan ng Pilipinas.  Ito ang buod ng Philippine Economic Briefing sa idinaos sa Assembly Hall ng Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa ekonomiya at mga proyekto.  Dinaluhan ito ng may 350 mga panauhin mula sa iba't ibang mga bangko at financial institutions.


Nanguna sa kanilang pagtatanghal sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, Budget Secretary Benjamin E. Diokno at BSP Deputy Governor Diwa Guninigundo.


Naniniwala ang economic managers na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas dahilan sa pamamalakad at mahahalagang pagbabagong ipinatutupad.


Sa monetary at financial sector, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang digitization ng financial transactions, liberalization ng foreign exchange at pagpapasigla ng domestic capital market ang binigyang pansin.


Samantala, sinabi ni Secretary Diokno na ang pagbabago sa cash-based budgeting system ang siyang magpapabilis sa mga programa ngpamahalaan.  Sa mga palatuntunang ito, higit na matatawag ang pansin ng investors.  Mahalaga rin umano ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN, ang Ease of Doing Business Act, ang Bangsamoro Organic Law, ang National ID System at maging ang Personal Property Security Law.


Nagulat din ang mga nasa larangan ng transportasyon, pagawaing-bayan at maging ang Bases Conversion and Development Authority sa Build, Build, Build program.


Itinampok ang daangbakal, laiparan at maging inter0island conncector roads, expressways at development para sa aleternative growth hubs tulad ng New Clark City sa hilaga ng Metro Manila.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino