Dang Thi Ngoc Thinh, nanungkulan bilang pansamantalang pangulo ng Biyetnam

2018-09-24 15:41:01 CRI

Sa ngalan ng Ika-14 na Pirmihang Komisyon ng Pambansang Asemblea, ipinalabas Linggo, Setyembre 23, 2018, ni Nguyen Thi Kim Ngan, Pangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam, ang patalastas na nanungkulan ang pangalawang pangulo ng bansa na si Dang Thi Ngoc Thinh bilang pansamantalang pangulo.

Nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 21, 2018, yumao sa Hanoi si Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam. Ayon sa konstitusyon ng Biyetnam, kung hindi puwedeng isagawa ng pangulo ang kapangyarihan, isasagawa ng pangalawang pangulo ng bansa ang tungkulin ng pangulo hanggang mahahalal ng Pambansang Asemblea ang bagong pangulo ng bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino