Human Rights Violation Victims Memorial, itatayo sa University of the Philippines

2018-09-24 17:45:41

 

NAGPASALAMAT ang pinuno ng National Historical Commission of the Philippines Dr. Rene Escalante sa University of the Philippines at sa pangulo nitong si Atty. Danilo Concepcion sa pag-aalok ng pook para paglagyan ng memorial.


Ilan umanong inakalang pook na paglalagyan ng memorial ay hindi sinangayunan kaya tumagal ang proyekto ng ilang taon.  Idinaos ang negosasyon sa pagitan ng National Historical Commission of the Philippines at University of the Philippines noon pang 2017.  Nagdesisyon na ang magkabilang-panig ng pagtatayuan ng memorial.  Ito rin ang magiging aklatan at museo ng mahahalagang dokumento na mula sa Presidential Commission on Good government.


Mayroong design competition para sa disenyo ng itatayong gusali na pangangasiwaan ng national Historical Commission of the Philippines samantalang nakatakdang gawin ang groundbreaking ceremonies sa Mayo ng susunod na taon.


Tatagal ang pagtatayo ng memorial ng tatlong taon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino