Papal Nuncio, nagalak sa kasunduan ng Vatican at Tsina

2018-09-27 16:15:58

 

ISANG hakbang sa tamang direksyon ang narating na kasunduan ng Tsina at Vatican hinggil sa pagkilala ng Holy See sa pitong obispong hinirang ng Pamahalaang Tsino noong nakalipas na Sabado.


Ayon kay Arsobispo Gabriele Giordano Caccia, tanging ang balitang mula sa Vatican City at sa Tsina na lumabas sa media ang kanyang nababatid bagama't sapat na ito upang higit na magkaisa ang mga Katoliko sa Tsina.


Sa isang panayam bago nagsimula ang pagdiriwang ng ika-88 taong pagkakatatag ng Kaharian ng Saudi Arabia sa Shangri-La Hotel at The Fort, sinabi ni Arsobispo Caccia na kakaiba ang mga situwasyon sa iba't ibang pook at ang posibilidad na magkatulungan para sa kabutihan ng madla ang nananatiling mahalaga.


Higit umano sa diplomatic perspective ang kanyang pananaw sapagkat tinitingnan niya ang kahalagahan ng kasunduan sa pananaw na pastoral.


Tinatayang mayroong mga 10 milyong Katoliko sa Tsina.  Si Arsobispo Caccia na ngayo'y 60 taong gulang na ay siya ring Dean of the Diplomatic Corps sa Pilipinas.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino