Korte Suprema, kinatigan ang 25% shading threshold

2018-09-27 16:23:08

 

PINABORAN ng Korte Supreme bilang mga bumubuo ng Presidential electoral Tribunal and 25% (threshold) bilang boto sa pagpapatuloy ng pagdinig sa protesta ni dating Senador Ferdinand Romualdez Marcos Jr. laban kay Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.


Ayon sa isang 21-pahinang resolusyon na inilabas ng Korte Suprema noong ika-18 ng Setyembre na inilabas lamang sa magkabilang panig kahapon, kinatigan nila ang paninindigan ng Commission on Elections at ni Gng. Robredo na nagsasabing sapat na ang 25% threshold para sa manual counting ng boto noong nakalipas na 2016 elections.  Ito rin umano ang threshold na ginamit ng Vote Counting Machines noong 2016 elections.


Ayon sa Presidential Electoral Tribunal sapat ang vote threshold na itinakda sa 25 porsiyento ng Commission on Elections para sa random manual audit ng Commission on Elections.


Hindi na kinatigan ang 50% shading threshold at maliwanag na ang bagong threshold ang siyang ipinatupad.


Hiniling ni Gng. Robredo na kilalaning sapat na ang 25 percent threshold ayon sa 2016 rules ng Commission on Elections samantalang hiniling naman ng kampo ni dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. na gamitin ang 50% bilang pagtugon sa 2010 Presidential Electoral Tribunal rules.


Ang pagbibilang na muli na sinimulan noong ikalawang araw ng Abril at na sa tatlong lalawigang pinili ni G. Marcos, ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.


Ang lahat ng mga mahistrado, liban sa dalawang nasa bakasyon, sina Justice Antonio Carpio at Diosdado Peralta ang lumagda sa resolusyon.  Ang may akda ng resolusyon ay si Associate Justice Benjamin Caguioa.


Nagpasalamat naman si Gng. Robredo sa naging desisyon ng Presidential Electoral Tribunal.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino