Paglalabas ng warrant of arrest laban kay Senador Trillanes, ipinagpaliban

2018-09-28 18:00:32

 

HINDI itinuloy ng isang hukuman sa Makati City ang paglalabas ng kautusang inaasahang darakip kay Senador Antonio Trillanes IV.  Ito ang tugon ng hukuman sa kahilingan ng Department of Justice na maglabas ng kautusan laban sa mambabatas.


Ayon kay Atty. Rey Robles, abogado nni Senador Trillanes, natanggap niya ang tatlong pahinang kautusan pasado ikatlo ng hapon.


Hindi muna itinuloy ang pagdedesisyon sa kahilingan ng Department of Justice at binigyan ang magkabilang panig ng panahon upang maglabas ng mga ebidensya kung nag-file ba o hindi ang mambabatas ng application for amnesty sa ilalim ng Proclamation 75 bago siya nabigyan ng amnesty noong 2011 at kung nagkaroon ba o walang pag-amin ng kasalanan noong magparating siya ng kanyang application at nabigyan ng amnesty.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino