Senador Trillanes, nanawagan sa International Criminal Court

2018-09-28 18:03:34

 

NANAWAGAN si Senador Antonio Trillanes IV sa International Criminal Court na madaliin na ang pagsisiyasat sa mga reklamong ipinarating laban kay Pangulong Duterte kasunod ng kanyang pag-amin na ang mga extrajudicial killing lamang ang kanyang kasalanan.


Ani Senador Trillanes, nararapat lamang seryosohin ng ICC ang pahayag na ito upang mabatid ang pananagutan ng pangulo laban sa taongbayan.  Hindi umano makapagkukubli ang pangulo at ang Malacanang sa pagsasabing biro lamang ang pahayag kahapon sa harap ng mga taga-Civil Service Commission.


Hindi kailanman magiging biro sapagkat may 30,000 na ang nasasawi sa programa ng pangulo laban sa illegal na droga.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino