Hanggang bukas na lamang ang pagpapatala

2018-09-28 18:07:40

 

SINABI ni Atty. Esmeralda Amora-Ladra, ang nangangasiwa sa Commission on Elections Education and Information Department na tanging huling araw ng pagpapatala ng mga botante bukas.


Ang pagpaparehistro ay para sa darating na halalan sa ika-13 ng Mayo sa susunod na taon.  Sinimulang muli ang pagpapatala noong nakalipas na ikalawang araw ng Hulyo ayon sa resolusyong ipinasa noong nakalipas na ika-19 ng Hunyo 2018.


Kailangang magpatala na ang madla bukas.  Bibigyan ng konsiderasyon ang mga Senior Citizen, mga may kapansanan at mga nagdadalang-tao upang 'di na mahirapang pumila pa.


Bubuksan ng Comelec ang kanilang mga tanggapan mula ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon bukas.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino