Secretary Roque, nagbakasyon, humihiling na makausap ang pangulo

2018-10-09 09:40:15

SAMANTALANG na sa bakasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque, humihiling siyang makausap si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Go.

Nakatakdang dumalo sa Cabinet Meeting si G. Roque kahit nakabakasyon ito. Sa isang panayam, sinabi ni G. Go na tila tinitimbang pa rin ni Secretary Roque ang kanyang napipintong gawin.

Magugunitang nagbakasyon si G. Roque matapos hindi siya masabihang nagtungo sa pagamutan ang pangulo noong nakalipas na Miyerkoles. Magugunitang sinabi ng tagapagsa;lota na nagpahinga lamang ang pangulo subalit sinabi ni Pangulong Duterte na sumailalim siya sa medical tests sa Cardinal Santos Memorial Medical Center. Ipinasuri niya ang kanyang bituka sa pagamutan.

Noong Sabado, lumabas na wala na namang alam ang tagapagsalita ng lumipad patungong Hong Kong ang pangulo upang diumano'y magpahinga. Sinabi naman ni G. Roque na nasa Davao City lamang ang pangulo. Nabanggit naman ni Secretary Martin Andanar na pinauupo si G. Roque sa mabubuong muling tanggapan, ang Office of the Press Secretary.

Nabanggit din ni Pangulong Duterte noong Huwebes na walang pagkakataong magwagi bilang Senador si Secretary Roque na isang dating party list congressman.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino